Isa pang kongresista na may-akda ng pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN, umatras
Isa pang kongresista na may-akda sa pagbibigay ng prangkisa sa Lopez-led ABS-ABN ang umatras sa pagbibigay ng suporta sa giant network.
Sa pagdinig ng House committee on legislative franchises at good government and public accountability, binawi ni Abang Lingkod party-list Rep. Joseph Paduano ang kanyang co-authorship sa House Bill No. 3173, na naglalayong bigyan ng 25-taon prangkisa ang ABS-CBN.
Ayon kay Paduano, naging “eye-opener” hindi lamang para sa kanya at iba pang mga mambabatas kundi maging sa publiko ang 12 padinig sa prangkisa ng broadcast network.
“Though it is hard for me, I came to the conclusion that I am withdrawing my co-authorship of House Bill 3713 that aims to grant the renewal of the franchise of ABS-CBN,” ani Paduano.
Humingi ng paumanhin si Paduano kay Parañaque City Rep. Joy Tambunting, ang pangunahing may-akda ng House Bill No.3173, at maging sa mga opisyal ng Lopez-led broadcast company.
Bago si Salo, nauna nang umatras si Kabayan Rep. Ron Salo sa pagiging may akda ng House Bill 6901 na naglalayong magbigay ng prangkisa ng ABS-CBN.
Katwiran ni Salo, hindi napatunayan ng ABS-CBN na hindi totoo ang mga alegasyong ibinibintang sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.