Ito aniya ay base sa naging panukala niya na maglagay ng penal facilities sa bawat rehiyon ng bansa para naman mapaluwag ang National Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Ayon kay Sotto, ang nais ng Malakanyang ay magkaroon ng mga malalaking kulungan sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Aniya, sa Luzon ay ilalagay sa Fort Magsaysayan military reservation sa Nueva Ecija; sa Camp Gen. Macario Peralta naman sa Visayas at ang Mindanao penitentiary ay itatayo sa Daval Penal Colony sa Panabo City.
Nabanggit din nito na binabalak din ang pagkakaroon ng hiwalay na kulungan para sa mga high profile drug convicts at ito ay itatayo sa Calabarzon.
Layon din ng panukala ni Sotto na mailapit ang mga sentensiyado sa kanilang pamilya para matulungan sila sa pagbabagong buhay.