Sen. Sotto: Pagpapaluwag ng Bilibid, suportado ng Palasyo

By Jan Escosio July 09, 2020 - 04:52 PM

Inanunsiyo ni Senate President Vicente Sotto III na sumang-ayon ang Malakanyang sa hakbang na ilipat sa itatayong regional penitentiaries ang mga nasentensiyahan sa mga karumal-dumal na krimen.

Ito aniya ay base sa naging panukala niya na maglagay ng penal facilities sa bawat rehiyon ng bansa para naman mapaluwag ang National Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ayon kay Sotto, ang nais ng Malakanyang ay magkaroon ng mga malalaking kulungan sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Aniya, sa Luzon ay ilalagay sa Fort Magsaysayan military reservation sa Nueva Ecija; sa Camp Gen. Macario Peralta naman sa Visayas at ang Mindanao penitentiary ay itatayo sa Daval Penal Colony sa Panabo City.

Nabanggit din nito na binabalak din ang pagkakaroon ng hiwalay na kulungan para sa mga high profile drug convicts at ito ay itatayo sa Calabarzon.

Layon din ng panukala ni Sotto na mailapit ang mga sentensiyado sa kanilang pamilya para matulungan sila sa pagbabagong buhay.

TAGS: Inquirer News, Radyo Inquirer news, Vicente Sotto III, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.