Halos 25,000 kaso ng COVID-19, nadagdag sa India

Mahigit 25,000 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa datos ng health ministry sa India hanggang 8:00 ng umaga (July 9), pumalo na sa 767,296 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit.

Sa nasabing bilang, 269,789 pa ang aktibong kaso.

Nadagdagan naman ng 19,547 ang mga gumaling.

Dahil dito, 476,378 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa India.

Umakyat naman sa 21,129 ang nasawi bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...