125 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Singapore
Nasa 125 ang bagong naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Singapore.
Sinabi ng Ministry of Health na ito ay naitala hanggang 12:00, Huwebes ng tanghali (July 9).
Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.
“Based on our investigations so far, there are 21 cases in the community, of whom four are Singaporeans and 17 are Work Pass Holders,” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.
Lumabas din sa preliminary investigation na sa 21 kaso, lima ay close contact ng mga nauna pang kaso.
Isinailalim na ang mga pasyente sa quarantine.
Maliban dito, mayroon ding imported case na inilagay sa Stay-Home Notice o isolation pagkadating sa Singapore.
Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.
Sa kabuuan, pumalo na sa 45,423 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.