Oras ng huling biyahe ng bus units sa ilalim ng MRT-3 Bus Augmentation Program, palalawigin

By Angellic Jordan July 09, 2020 - 03:00 PM

Palalawigin na ang oras ng huling biyahe ng mga bus unit sa ilalim ng MRT-3 Bus Augmentation Program.

Ipinag-utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade na gawin nang 10:00 ng gabi ang oras ng huling pag-dispatch ng bus units mula North Avenue at Taft Avenue.

Layon aniya nitong matugunan ang pangangailangan ng mga pasaherong apektado ng pansamantalang shutdown ng MRT-3.

Maliban dito, magsisimula na sa 4:00 ng madaling-araw ang pag-deploy ng mga bus para maging maikli na lamang ang pila ng commuters.

Epektibo ito simula sa araw ng Biyerhes, July 10.

Ipinaalala rin ng kalihim sa pamunuan ng MRT-3 na istriktong ipatupad ang 3-minute regular dispatch system.

TAGS: COVID-19, dotr, Inquirer News, MRT-3 Bus Augmentation Program, MRT-3 temporary shutdown, Radyo Inquirer news, Sec. Arthur Tugade, COVID-19, dotr, Inquirer News, MRT-3 Bus Augmentation Program, MRT-3 temporary shutdown, Radyo Inquirer news, Sec. Arthur Tugade

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.