Ilang lalawigan sa Luzon, uulanin sa susunod na mga oras

Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:56 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Nueve Ecija, Zambales, Tarlac at Laguna.

Maaapektuhan din ng nasabing lagay ng panahon ang Candaba, Pampanga; Mariveles, Bataan; Nasugbu, Batangas; Tagkawayan, Quezon.

Uulanin din ang bahagi ng Maragondon at Ternate sa Cavite; San Miguel, San Ildefonso, San Rafael, Doña Remedios Trinidad sa Bulacan.

Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...