9 MMDA personnel positibo sa COVID-19

Siyam na personnel na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni MMDA spokesperson Celine Pialago, tatlong personnel ang nadagdag sa talaan Huwebes (July 9) ng umaga.

Sarado na muna aniya ang tanggapan ng MMDA para sa disinfection na tatagal ng hanggang sa araw ng Linggo.

Pero bagaman sarado ang tanggapan ng MMDA, sinabi ni Pialago na tuloy pa rin naman ang trabaho ng mga traffic enforcer para pangasiwaan ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.

May mga base offices kasi aniya ang MMDA para sa mga traffic enforcer.

 

 

Read more...