Ito ay para buhayin ang ekonomiya ng bansa na labis na naapektuhan dahil sa COVID-19.
Sa Pre SONA forum kahapon, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez na lilikha ng maraming trabaho at lalakas ang negosyo sa ilalim ng Build Build Build Program.
“We are maintaining our Build, Build, Build Program. Infrastructure projects will be the best way to revive the economy because of their high multiplier effect, stimulating demand and generating new jobs and businesses,” ayon kay Dominguez.
Kabilang sa mga proyektong pang-imprastraktura na gagawin ng pamahalaan ay may kinalaman sa kalusugan, edukasyon, pabahay at iba pa.
Hindi aniya magiging balakid ang pandemya sa COVID-19 para maantala ang Build Build Build Program lalo’t dalawang taon na lang ang natitirang panunungkulan ni Pangulong Duterte.