Bilang ng mga tauhan ng MRT-3 na positibo sa COVID-19 203 na
By Dona Dominguez-Cargullo July 09, 2020 - 11:23 AM
Umabot na sa 203 ang mga tauhan ng MRT-3 na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon sa abiso ng Department of Transportation naisailalim na sa test ang 3,304 na mga tauhan ng MRT-3 kasama na ang mga tauhan ng service provider at subcontractors ng MRT.
Ayon kay Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran, sa 203 infected workers, 15 ang station personnel habang ang iba ay depot personnel.
Labingapat sa mga nagpositibo ay ticket sellers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.