Global death toll sa COVID-19 mahigit 552,000 na

By Dona Dominguez-Cargullo July 09, 2020 - 11:15 AM

Sumampa na sa mahigit 552,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 552,046 na.

Sa magdamag nakapagtala pa ng nasa 6,000 bagong nasawi.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 134,862.

Narito naman ang iba pang mga bansa na nakapagtala ng mataas na bilang ng nasawi:

Brazil – 68,055
UK – 44,517
Italy – 34,914
Mexico – 32,796
France – 29,965
Spain – 28,396
India – 21,144
Iran – 12,084

Sumampa naman na sa mahigit 7 million ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 4.5 million pa ang aktibong kaso.

 

 

TAGS: covid global deaths, covid pandemic, COVID-19, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid global deaths, covid pandemic, COVID-19, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.