Lahat ng hukom at mga staff sa mga korte sa Pasay sasailalim sa mandatory self-quarantine

By Dona Dominguez-Cargullo July 09, 2020 - 10:41 AM

Sasailalim sa mandatory self-quarantine ang lahat ng mga hukom at tuhan ng Pasay City Regional Trial Court at Metropolitan Trial Court.

Kasunod ito ng utos ng executive judge ng Pasay RTC matapos na isang court employee mula sa RTC Branch 112 ang nagpositibo sa COVID-19.

Isang abogado rin ng Public Attorne’ys Office ang nagpositibo sa sakit.

Lahat ng empleyado ng mga korte sa Pasay kasama ang mga hukom ay required na sumailalim sa self-quarantine simula ngayong araw, July 9 hanggang sa July 20.

Pinapayuhan ang lahat ng court employees na bantayang maigi ang kanilang kalusugan at agad magpatingin kapag may sintomas.

Tuloy pa rin naman ang mga naka-schedule na hearing at gagawin ito via videoconference.

Ang mga pleadings naman ay pwedeng isumite sa pamamagitan ng electronic filing.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, lockdown, Modified general community quarantine, News in the Philippines, pasay court, Radyo Inquirer, self quarantine, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, lockdown, Modified general community quarantine, News in the Philippines, pasay court, Radyo Inquirer, self quarantine, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.