Alabang SB Exit Toll Plaza sarado muna sa mga motorista

Simula Miyerkules, July 8 ng gabi isinara muna sa mga motorista ang Alabang Southbound Exit Toll Plaza.

Ito ay para bigyang daan ang nagpapatuloy na Skyway Extension Project.

Sa abiso ng Muntinlupa Traffic Management Bureau, nagsimula ang closure alas 10:00 ng gabi kagabi.

Lahat ng Class 1 vehicles na patungo sa Alabang ay pinapayuhan na gamitin ang Filinvest Exit habang ang mga Class 2 at 3 vehicles ay sa Sucat Interchange e-exit at dadaan sa East Service Road Southbound.

Maglalabas na lamang muli ng abiso kung kailan bubuksan ang Alabang Southbound Exit Toll Plaza.

 

 

 

Read more...