Mahigit 22,000 health workers at commuters naserbisyuhan ng libreng sakay ng PNP

Hanggang kahapon, July 8 ay umabot na sa 22,461 na stranded health workers at commuters ang naserbisyuhan ng Libreng Sakay ng Philippine National Police.

Ang mga bus at troop carriers ng PNP ay nagbibigay ng libreng sakay simula pa noong March 19 para sa mga stranded na commuters sa Metro Manila at mga kalapit na lugar.

Gaya ng sa mga mass transportation, tinitiyak ng PNP na naipatutupad ang physical distancing sa mga sasakyan at 50% ng loading capacity lamang ang isinasakay.

Sumasailalim din sa disinfection ang mga sasakyan sa bawat biyahe.

Ang Libreng Sakay ng PNP ay operational araw-araw alas 6:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng umaga.

 

 

Excerpt:A

Read more...