Crime rate sa bansa bumaba ng 52 percent sa nakalipas na 113 days na pag-iral ng community quarantine

By Dona Dominguez-Cargullo July 09, 2020 - 09:20 AM

Sa kabila ng unti-unti nang pagpapagaan sa community quarantine sa iba’t ibang bahagi ng bansa bumaba pa rin ang naitalang crime rate ng Philippine National Police.

Ayon sa PNP, sa nakalipas na 113 araw na pag-iral ng community quarantine, bumaba ng 52 percent ang crime rate sa bansa kumpara sa nagdaang 113 days bago magpairal ng quarantine.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Joint Task Force COVID-19 Shield commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar na nakitaan ng pagbaba ng crime rate sa Luzon (53%), Visayas (53%) at Mindanao (47%) mula March 17 hanggang July 7, 2020.

Lahat din ng 8 focused crimes ay nakitaan ng pagbaba gaya ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, at carnapping.

Pero ayon kay Eleazer, simula nang pagaanin na ang community quarantine ay may bahagya at unti-unti na ring pagtaas sa mga naitatalang krimen.

Mula sa 65 krimen per day na naitatala noong unang bahagi ng pag-iral ng enhanced community quarantine, ay umabot na ito sa 84 crimes per day mula nang magkaroon na ng general community quarantine sa mas maraming lugar sa bansa.

Ani Eleazar, maari talaga itong mangyari dahil mula nang mag-GCQ ay mas dumami na ang mga tao sa lansangan.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, Crime rate, department of health, general community quarantine, general eleazar, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, PNP, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, Crime rate, department of health, general community quarantine, general eleazar, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, PNP, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.