Mag-asawa, mag-BF/GF papayagan na ayon sa DILG

Papayagan na ang backriding o pag-aangkas sa motorsiklo para sa mga mag-asawa.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, simula bukas, July 10 ay papayagan na ang pag-aangkas para sa mga mag-asawa.

Maliban sa mga mag-asawa ay papayagan din na pag-aangkas sa motorsiklo sa mga magka-live in at mag-boyfriend / girlfriend.

Kabilang sa requirement ayon kay Año ay kailangang may maipakita silang katibayan na sa iisang bahay sila nakatira.

Maglalabas ng guidelines hinggil dito ang Inter Agency Task Force para maging batayan sa mga checkpoint.

 

 

 

Read more...