Kaso ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 12.1 million

Umakyat na sa mahigit 12.1 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, 12,155,395 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 200,000 na bagong kaso sa magdamag.

Nananatiling ang Estados Unidos ang may pinakamaraming bilang ng kaso na sumampa na sa mahigit 3,158,724.

Sa magdamag ay mahigit 61,000 ang naitalang bagong kaso sa US.

Ang Brazil naman ay nakapagtala ng mahigit 41,000 na bagong kaso at mahigit 25,000 na bagong kaso ang naitala sa India.

Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:

Brazil – 1,716,196
India – 769,052
Russia – 700,792
Peru – 312,911
Chile – 303,083
Spain – 299,593
UK – 286,979
Mexico – 268,008
Iran – 248,379

Ang Pilipinas naman ay muling tumaas sa hanay ng mga bansa sa mundo na may mga kaso ng COVID-19.

Ang Pilipinas ay pang-36 na ngayon sa mga bansa sa mundo na may pinakamaraming kaso ng sakit.

 

Read more...