DepEd enrollees mahigit 19 million na

By Dona Dominguez-Cargullo July 09, 2020 - 08:25 AM

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na simula noong unang araw ng Hunyo, , umaabot na sa mahigit 19 na milyon ang nagpa-enroll, mula Kindergarten hanggang Grade 12, para sa Academic Year 2020 – 2021.

Hanggang alas 5:30 ng hapon ng Huwebes July 9, ay umabot na sa 19,012,293 ang total number of enrollees.

Sa naturang bilang 18,097,857 ang nag-enroll sa mga public schools at 913,591 naman ang nagpa-rehistro sa private schools.

Kasama sa mga nagpa-enroll ay ang mga sasailalim sa Alternative Learning System at non-graded learners with disabilities.

Base sa datos ng DepEd, 9,433,884 ang nagpa-enroll sa elementarya; 6,008,293 sa junior high school; 2,046,894 naman sa senior high school at 1,254,227 sa kindergarten.

Simula noong Hunyo 1, nagpatupad na ang kagawaran ng remote enrollment sa pamamagitan ng mga alternatibong pamamaraan, kung saan hindi na kinakailangan pang magtungo ang estudyante o magulang sa mga paaralan.

Pinalawig din ng DepEd ang enrollment hanggang sa July 15.

\

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, deped enrollees, enrollment, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, deped enrollees, enrollment, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.