DOTr naglagay ng mga tent sa NAIA para magamit ng LSIs

Dalawampu’t walong tents ang inilagay sa social hall ng NAIA Terminal 3 para magamit pansamantala ng mga Locally-Stranded Individuals (LSIs) na naghihintay ng kanilang flights.

Target ng Manila International Airport Authority (MIAA) at ng Department of Transportation (DOTr) na makapagtayo ng hanggang 100 tents sa social hall.

Maliban sa tent na mapagpapahingahan ng mga LSI, naglaan din ng dedicated shower area sa NAIA.

Ito ay sa parking lot ng airport na ekslusibo lang na ipagagamit sa mga LSI.

Una nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tipunin ang lahat ng mga stranded at hindi pa makauwi sa kanilang lalawigan.

 

 

 

Read more...