Publiko pinag-iingat ng BAI sa pagbili ng aso o pusa online

By Dona Dominguez-Cargullo July 09, 2020 - 07:44 AM

Pinag-iingat ng Department of Agriculture (DA) – Bureau of Animal Industry (BAI) ang publiko sa pagbili ng mga alagang hayop online.

Ayon sa BAI, hindi dapat tangkilikin ang mga online sellers, traders at breeders ng aso at pusa lalo na kung walang BAI Animal Welfare Certificate Registration ang mga ito.

Ang Animal Welfare Certificate Registration ay required sa ilalim ng RA 8485 o Animal Welfare Act of 1998.

Sinabi ng BAI na nakatatanggap sila ng reklamo mula sa mga bumili ng alagang aso at pusa online.

Batay sa reklamong mukhang malusog naman ang aso o pusa nang kannilang bilhin online pero mayroon palang serysong kondisyon.

Paalala ng BAI, bumili lang ng aso o pusa sa reputable pet breeders o pet shops na may Certificate of Registration.

Huwag maging compulsive buyer at tiyaking malusog ang bibilhing alaga at kailangang may sertipikasyon mula sa isang duly Licensed Veterinarian.

Dapat ding icheck kung updated ang vaccination at deworming record.

At dapat mayroong written after sale agreements sa pagitan ng seller at ng bumili.

 

 

TAGS: bai, Bureau of Animal Industry, covid pandemic, COVID-19, DA, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, bai, Bureau of Animal Industry, covid pandemic, COVID-19, DA, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.