Anti-trafficking offices ng NAIA isinailalim sa lockdown

Inquirer file photo

Isinailalim sa 14 na araw na lockdown ang mga tanggapan ng Task Force Against Trafficking (NAIATFAT) at Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) sa tatlong terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay makaraang apat na tauhan nito ang magpositibo sa COVID-19.

Sasailalim sa cleansing procedures ang mga tanggapan ng NAIATFAT at IACAT habang umiiral ang lockdown hanggang sa July 22.

Nagsasagawa na rin ng contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng 4 na empleyado na nagpositibo sa COVID-19.

Lahat ng tauhan ng NAIATFAT ay ipinasailalim na sa istriktong self-quarantine.

 

 

Read more...