Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 301 na bagong kaso ng sakit kahapon.
Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 11,155 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 6,955 ang aktibong kaso, 3,781 ang gumaling na at mayroong 419 na nasawi.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 7,078 cases.
Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:
Cebu Province – 1,763
Mandaue City – 1,147
Lapu-Lapu City – 1,064
Negros Oriental – 59
Bohol – 44
Siquior – 0
READ NEXT
OB at Pediatric wards ng San Juan Medical Center isinailalim sa lockdown; doktor at nurse nagpositibo sa COVID-19
MOST READ
LATEST STORIES