Kaso ng COVID-19 sa Central Visayas mahigit 11,000 na
Sumampa na sa mahigit 11,000 ang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.
Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 301 na bagong kaso ng sakit kahapon.
Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 11,155 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 6,955 ang aktibong kaso, 3,781 ang gumaling na at mayroong 419 na nasawi.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 7,078 cases.
Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:
Cebu Province – 1,763
Mandaue City – 1,147
Lapu-Lapu City – 1,064
Negros Oriental – 59
Bohol – 44
Siquior – 0
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.