OB at Pediatric wards ng San Juan Medical Center isinailalim sa lockdown; doktor at nurse nagpositibo sa COVID-19
Pansamantalang isinara ang OB at Pediatric wards ng San Juan Medical Center matapos mahawa ang isang doktor at isang nurse sa isang COVID-19 patient.
Sa abiso ng San Juan City Local Government, isinailalim na rin sa swab testing ang lahat ng close contacts ng doktor at nurse at kasalukuyan silang naka-quarantine habang naghihintay ng resulta.
Nagsagawa na ng disinfection sa ward ng ospital at inaasahang muli itong bubuksan sa Sabado, July 11.
Para sa mga buntis at magulang, maaaring pansamantalang kumonsulta sa Out Patient Department ng SJMC o sa ibang ospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.