300 sa mahigit 700 manggagawa ng construction site sa Taguig nagpositibo sa COVID-19
Nagsagawa ng massive testing ang Taguig City government sa isang construction site sa Brgy. Fort Bonifacio.
Ayon sa Safe City Task Force ng Taguig, sa 741 na manggagawa ng construction site, 691 na ang naisailalim sa test.
At 308 sa kanila ang positibo sa sakit.
Maliban sa Barangay Fort Bonifacio, patuloy din ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Barangay Lower Bicutan sa naturang lungsod.
Sa 2,104 na tests na naisagawa sa Purok 5 at 6 ng Barangay Lower Bicutan, 111 ang nagpositibo.
Ayon sa Task Force ang mga positibong kaso sa dalawang nabanggit na baranggay ang dahilan ng biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Taguig nitong nagdaang mga araw.
Ang mga pasyente ay naka-isolate na sa government quarantine facilities.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.