2 kalye sa San Juan isinailalim sa lockdown
Dahil sa pagiging critical zone isinailalim sa enhanced community quarantine ang dalawang kalye sa dalawang magkaibang barangay sa San Juan.
Simula kahapon, July 7 hanggang sa July 22 ang pag-iral ng ECQ sa C. Santos Street sa Barangay Balong Bato at sa J. Eustaquio Street sa Barangay Progreso.
Ito ay makaraang makapagtala ng pitong kaso ng COVID-19 sa C. Santos Street habang anim na kaso naman sa J. Eustaquio Street.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, tatanggap ng tig-aapat na food packs ang 255 na pamilyang apektado ng lockdown.
Nagtalaga na din ng mga pulis at tauhan ng barangay para mahigpit na pairalin ang ECQ.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.