Ayon kay Red Cross Chairman at Senator Richard Gordon, maaari nang magamit ang Batangas Molecular Laboratory.
Sa pagbubukas ng laboratoryo inaasahang mas marami pa ang masasailalim sa COVID-19 test.
Kaya nitong makapagproseso ng 4,000 swab samples kada araw, at kayang mailabas ang resulta sa loob lang ng 48 oras.
“Testing is the key to get our economy going again and this is more so, here in Batangas and in the whole region, with its different economic zones, techno-parks, and industrial zones,” ani Gordon.
Maliban sa Batangas, magagamit din ang laboratoryo ng iba pang mga lalawigan sa CALABARZON.
MOST READ
LATEST STORIES