Biyahe ng mga bus sa MRT-3 sinimulan ng mas maaga

By Dona Dominguez-Cargullo July 09, 2020 - 05:23 AM

Mas maaga na ang simula ng biyahe ng mga bus sa MRT-3.

Ito ay makaraang ipag-utos ni Transportation Sec. Arthur Tugade nag awing alas 4:00 ng umaga ang unang biyahe ng mga bus mula sa dating 5:30 ng umaga.

Ito ay bilang tugon sa hiling ng mga pasaherong apektado ng pansamantalang shutdown ng MRT-3.

Ipinag-utos po ni DOTr Secretary Arthur Tugade na gawing 4:00AM (mula sa dating 5:30AM) ang start of dispatch ng MRT-3 Bus Augmentation Program simula bukas, 9 July 2020.

Ayon kay MRT-3 Director for Operations Michael J. Capati, pumayag din ang mga bus company sa ilalim ng Bus Augnmentation Program na agahan ang kanilang unang biyahe.

Kahapon ng umaga ay humba ang pila ng mga pasaherong sasakay sa bus dahil walang biyahe ang MRT-3.

Ibinilin din ni Tugade sa MRT-3 na siguraduhing mahigpit na maipatutupad ang 3-minute regular dispatch system ng mga bus.

 

 

TAGS: Bus augmentation program, covid pandemic, COVID-19, department of health, dotr, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, MRT 3, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Bus augmentation program, covid pandemic, COVID-19, department of health, dotr, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, MRT 3, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.