Bilang ng mga pulis na nagpositibo sa COVID-19, 981 na
By Angellic Jordan July 09, 2020 - 01:33 AM
Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (July 8), 981 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
659 pulis ang itinuturing na probable cases habang 1,258 ang suspected cases.
Umabot naman sa 429 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Nasa siyam pa rin ang pulis na pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.