Kaso ng COVID-19 sa Western Visayas, umabot na sa 412; 17 ang nadagdag

Nagpositibo ang 17 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang July 8, umakyat na sa 412 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

248 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Karamihan sa mga bagong kaso ay repatriated overseas Filipino workers at locally stranded individuals.

Nakasailalim ang mga bagong COVID-19 patient sa quarantine facility.

Isa naman ang bagong gumaling sa Western Visayas.

Dahil dito, umakyat na sa 153 ang total recoveries sa Western Visayas.

Nananatili pa rin sa 11 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...