Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 3,330

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Miyerkules (July 8, 3:00 PM) nakapagtala ng 155 na bagong kaso kaya pumalo na sa 3,330 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 796
Laguna – 1,073
Batangas – 396
Rizal – 881
Quezon – 184

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 1,591.

Nasa 1,519 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 36 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 258
Laguna – 507
Batangas – 212
Rizal – 406
Quezon – 136

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng lima kaya ito ay umabot na sa 220.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 47
Laguna – 50
Batangas – 32
Rizal – 80
Quezon – 11

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

Read more...