Pictures ni Maine Mendoza sa Instagram, binura ng hacker

By Jay Dones February 24, 2016 - 01:08 AM
Mula sa Twitter/Alden Richards

Napasok ng hacker ang Instagram account ni Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza at binura ang lahat ng mga pictures nito.

Sa isang twitter post ng katambal ni Mendoza na si Alden Richards, mag-aala-una ng madaling araw kanina, kinumpirma nito ang pag-hack sa account ng kanyang ka loveteam.

Ipi-nost pa ni Richards ang hacker na nakialam sa account ni Mendoza na nagpakilala sa username na snapchat_doi.

Agad namang nag-react ang mga fans ng tambalang ‘AlDub’ sa pamamagitan ng pagpost ng kanilang mga galit na galit na reaksyon sa social media.

Sa kasalukuyan, libu-libo nang comments  ang nagpahayag ng matinding pagkadismaya sa ginawang ito ng hacker.

Nasa 2.2 milyon ang followers ni Mendoza sa Instagram.

Matatandaang sumikat ang tambalang ‘Aldub’ sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.