Ayon sa Department of Health Eastern Visayas Center for Health Development (DOH EV CHD), umabot na sa 600 ang mga tinamaan ng nakakahawang sakit sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 111 o 18.5 porsyento ang aktibong kaso.
10 rin ang bagong gumaling sa pandemya.
Dahil dito, nasa 486 na o 81 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Nasa 0.5 porsyento naman o tatlo ang pumanaw bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
Patuloy pa rin ang paalala ng DOH EV CHD na sumunod sa health protocols paea makaiwas sa pagkalat ng COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES