10 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Eastern Visayas; 10 ang gumaling pa
Nadagdagan pa ng 10 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Ayon sa Department of Health Eastern Visayas Center for Health Development (DOH EV CHD), umabot na sa 600 ang mga tinamaan ng nakakahawang sakit sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 111 o 18.5 porsyento ang aktibong kaso.
10 rin ang bagong gumaling sa pandemya.
Dahil dito, nasa 486 na o 81 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Nasa 0.5 porsyento naman o tatlo ang pumanaw bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
Patuloy pa rin ang paalala ng DOH EV CHD na sumunod sa health protocols paea makaiwas sa pagkalat ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.