Pinatitiyak ni Go na masusulit hanggang sa huling sentimo ng pondo para sa ‘new normal education.
“Ni piso ay hindi dapat masayang. Gamitin po natin ng tama ang pondo ng bayan upang matulungan ang ating mga kababayan, lalo na ngayon na may krisis. Gamit ang SEF, let’s make sure that students are able to continue their education in a manner that will not put them at harm because of the risks caused by the COVID-19 pandemic,” sabi ng senador.
Unang nanawagan ang DILG sa LGUs na suportahan ang DepEd sa pagpapatupad ng mga pagbabago sa sistema ng pag-aaral sa pamamagitan ng paggamit na rin ng SEF para na rin sa kanilang mga lokal na programang pang-edukasyon.
Una nang inihirit ni Go na mapalawig pa ang maaring paggamitan ng SEF partikular na sa dagdag benepisyo sa mga guro at pagpapaganda ng sistema ng edukasyon.