2020 SONA, hindi pa rin naisasapinal

By Erwin Aguilon July 08, 2020 - 12:28 PM

Aminado si House Speaker Alan Peter Cayetano na hindi pa rin naisasapinal ang detalye ng State of the Nation Address ni Pangulong Duterte kahit napag-uusapan ang blended SONA.

Ayon kay Cayetano, dahil gusto ng Presidente na malapit sa mga tao, mas gusto nito na magtalumpati sa Batasan.

Pero ikinukunsidera rin anya nila ang usapin ng seguridad at kalusugan.

Sa panig ng Kamara, wala daw silang balak na punuin ang Batasan kaya malamang na madagdagan lang ang 50 bilang ngayon ng kadalasang nasa loob ng session hall habang ang ibang miyembro ay lalahok sa pamamagitan ng video conference.

Paliwanag ng speaker, kahit pa official function at importanteng okasyon ang SONA, gusto pa rin nilang maging magandang halimbawa sa mga tao kaya hindi nila lalabagin ang panuntunan sa public gathering.

Aniya mag-aadjust sila sa kung anong komportable sa Malakanyang.

 

 

 

 

TAGS: 2020 SONA, Inquirer News, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, SONA, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2020 SONA, Inquirer News, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, SONA, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.