Global death toll sa COVID-19 mahigit 546,000 na

By Dona Dominguez-Cargullo July 08, 2020 - 11:27 AM

Sumampa na sa mahigit 546,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 546,601 na.

Sa magdamag nakapagtala pa ng nasa 6,000 bagong nasawi.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 133,972.

Narito naman ang iba pang mga bansa na nakapagtala ng mataas na bilang ng nasawi:

Brazil – 66,868
UK – 44,391
Italy – 34,899
Mexico – 32,014
France – 29,920
Spain – 28,392
India – 20,653
Iran – 11,931

Sumampa naman na sa mahigit 6.8 million ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa 4.5 million pa ang aktibong kaso.

 

 

 

TAGS: covid death, covid pandemic, COVID-19, global death toll, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid death, covid pandemic, COVID-19, global death toll, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.