9 na pulis na sangkot sa pagkamatay ng mga sundalo sa Sulu nasa Camp Crame na
Nakasailalim na sa restrictive custody sa Camp Crame ang siyam na pulis na nasangkot sa pagkamatay ng apat na sundalo sa Sulu.
Ito ay upang maharap nila ang imbestigasyon sa National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon kay PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac ang siyam na mga pulis ay kinabibilangan nina:
Police Senior Master Sergeant Abdelzhimar Padjiri
Police Master Sergeant Hanie Baddiri
Police Staff Sergeant Iskandar Susulan Police Staff Sergeant Ernisar Sappal
Police Corporal Sulki Andaki
Patrolman Moh. Nur Pasani
Police Staff Sergeant Almudzrin Hadjaruddin
Patrolman Alkajal Mandangan
Patrolman Rajiv Putalan
Ang siyam, kasama si Brig. Gen. Manuel Abu, Regional Director ng Police Regional Office sa Bangsamoro Autonomous Region ay dumating sa Metro Manila kahapon ng umaga via Cebu Pacific flight.
Ang siyam na pulis ay nai-turnover na kay Police Colonel Jerich Royales na Deputy Director for Operations sa Headquarters Support Service sa Camp Crame.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.