Tatlong volcanic earthquakes naitala sa Mt. Bulusan sa nakalipas na magdamag

Masusing binabantayan ng Phivolcs ang Mt. Bulusan sa Sorsogon matapos makapagtala ng aktibidad nitong nagdaang mga araw.

Sa 8AM Bulusan Volcano Bulletin na inilabas ng Phivolcs ngayong Miyerkules, July 8, nakapagtala ng tatlong volcanic earthquake sa bulkan sa nakalipas na 24 na oras.

Ayon sa Phivolcs pawang low frequency lamang ang mga pagyanig na bunsod ng magmatic gas activity ng bulkan.

Nakapagtala din ng mahinang steam laden plumes mula sa lower southeast vent ng bulkan.

Sa ilalim ng Alert Level 1, ipinagbabawal ang pagpasok sa four-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng Mt. Bulusan.

 

 

 

Read more...