Ayon sa abiso ng Department of Transportation apat pang depot personnel ng MRT-3 ang nagpositibo sa sakit kaya 202 na ngayon ang mga tauhan nilang infected ng COVID-19.
Ayon kay Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran, sa 202 infected workers, 181 ay depot personnel, 15 ang ticket sellers, 3 ang train drivers, 2 ang naka-assign sa control center, at isa ang nurse.
Sa mga ticket seller na nagpositibo, walo ang naka-assign sa North Avenue Station, tatlo sa Araneta Center-Cubao Station, dalawa sa GMA-Kamuning Station, isa sa Quezon Avenue Station habang ang isa “reserve teller”.
Mayroon pang 339 na MRT-3 personnel ang naghihintay ng resulta ng kanilang swab tests.
Sa huling datos, 2,861 na mula sa 3,200 na MRT-3 employees ang naisailalim sa tests.