Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Wilben Mayor, inatasan na ni Marquez ang CIDG AFCCU na halukayin ang mga records upang matukoy ang lawak ng iregularidad ng application at issuance ng LTOPF.
Nais din ni Marquez na matukoy ang iba pang mga fraudulent entries sa LTOPF database na naipasok ng walang mga kaukulang papeles o kulang kulang na mga dokumento at naiulat na mga pineke na mga neuro-psychiatric exams.
Napag-alaman sa imbestigasyon ng CIDG AFCCU sa pamamagitan ng kanilang undercover agents na makakakuha ang isang aplikante ng LTOPF kahit walang mga papeles sa halagang P15,000.
Dahil dito, 15 mga Firearms and Explosives Office personnel kabilang ang hepe na si CSupt. Elmo Sarona ang sinibak sa pwesto at pinalitan ni PSSupt. Cesar Binag habang iniimbestigahan ang kaso.
Sabit din at nakatakda naman sampahan ng CIDG ng kasong Falsification of Official Documents sa ilalim ng Article 172 in reletion to Article 171 ng Revised Penal Code ang 12 iba pa na mga personnel ng gun shop na Reloader Guns and Ammo Trading dahil sa pamemeke ng mga papeles para mailusot ang mga application sa LTOPF.