Cabangan, Zambales niyanig ng magnitude 4.8 na lindol; pagyanig naramdaman sa ilang lugar sa Metro Manila

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang lalawigan ng Zambales .

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 5 kilometers southwest ng bayan ng Cabangan, alas-8:28 umaga ng Miyerkules, July 8.

May lalim na 73 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang sumusunod na intensities:

Intensity IV – San Felipe, Zambales
Intensity III – Quezon City; Malabon City; Makati City
Intensity II – San Mateo, Rizal; Pasay City

Instrumental Intensities:
Intensity III – Olongapo City
Intensity I – Quezon City; Marikina City; Malolos City; San Juan City; Navotas City; Gapan City, Nueva Ecija; Guagua, Pampanga

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

 

 

Read more...