Kaso ng COVID-19 sa buong mundo halos 12 milyon na

By Dona Dominguez-Cargullo July 08, 2020 - 09:26 AM

Umakyat na sa halos 12 milyon ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, 11,941,783 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 200,000 na bagong kaso sa magdamag.

Nananatiling ang Estados Unidos ang may pinakamaraming bilang ng kaso na sumampa na sa mahigit 3,097,000.

Sa magdamag ay mahigit 55,000 ang naitalang bagong kaso sa US.

Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:

Brazil – 1,674,655
India – 743,481
Russia – 694,230
Peru – 309,278
Chile – 301,019
Spain – 299,210
UK – 286,349
Mexico – 261,750
Iran – 245,688

Ang Brazil ay nakapagtala ng mahigit 48,000 na bagong kaso sa magdamag. Habang ang India ay nakapagtala naman ng mahigit 23,000 na bagong kaso.

Nahigitan naman na ng Chile ang Spain sa dami ng naitalang mga kaso.

 

TAGS: covid cases, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US, covid cases, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.