Bus Augmentation sa MRT-3 mas pinaaga
Pinaaga pa ang biyahe ng mga bus sa Metro Rail Transit – 3, kasunod ng suspensyon ng biyahe ng mga tren.
Simula ngayong araw, July 8 ay alas 5:00 na ang unang biyahe ng bus ula sa North Avenue at Quezon Avenue stations.
Mas maaga ito ng 30-minuto kumpara sa alas 5:30 na dating unang alis ng bus.
Ang temporary shutdown ng MRT-3 ay ipinatupad upang bigyang-daan ang malawakang RT-PCR (swab) testing sa lahat ng mga empleyado nito.
Kasama sa isasailalim sa test ang mga empleyado ng maintenance provider at subcontractors upang mapigilan ang pagkalat pa ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.