Kaso ng COVID-19 sa Central Visayas mahigit 10,800 na
Sumampa na sa mahigit 10,800 ang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.
Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 350 na bagong kaso ng sakit kahapon.
Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 10,854 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 6,802 ang aktibong kaso, 3,642 ang gumaling na at mayroong 410 na nasawi.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 7,015 cases.
Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:
Cebu Province – 1,684
Mandaue City – 1,099
Lapu-Lapu City – 970
Negros Oriental – 43
Bohol – 43
Siquior – 0
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.