Cebu City mananatili sa ECQ ayon kay Sec. Duque

Mananatili sa enhanced community quarantine ang Cebu City ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

Sa pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Inter Agency Task Force, sinabi ni Duque na mataas pa rin ang doubling time sa Cebu City kaya mananatili itong high risk.

Maliban dito, “overwhelmed” na rin aniya ang health system capacity sa lungsod.

Muli namang inulit ng pangulo na mistulang binalewala ng mga residente sa Cebu ang COVID-19 lalo na nung unang mga buwan ng pagdami ng kaso.

Ayon sa pangulo, sasailalim lagi sa review ang mga community quarantine na kasalukuyang umiiral sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

 

 

Read more...