Presidente ng Brazil nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 ang presidente ng Brazil na si Jair Bolsonaro.

Kinumpirma msimo ni Bolsonaro ang resulta ng kaniyang test sa pagharap niya sa media.

Pero ayon kay Bolsonaro, maayos ang kaniyang kondisyon.

Sa kaniyang paglabas-labas sa publiko, madalas makihalubilo sa mga tao at makipag-kamay sa mga mamamahayag si Bolsonaro.

May mga pagkakataon pang wala itong suot ng face mask.

Noong weekend, dumalo pa ang Brazilian leader sa U.S. Independence Day celebration.

Noong nakaraang buwan ay nagsimula na ang Brazil na pagaanain ang restrictions nito sa kabila ng pagtaas ng mga kaso.

 

 

 

Read more...