Mga bagong fighter jets ng Phil. Air Force bibida sa EDSA anniversary

By Ruel Perez February 23, 2016 - 08:09 PM

air-force-jets
Inquirer file photo

Mas magiging magarbo kumpara sa mga nakalipas na taon ang  paggunita ng anibersaryo ng 1986 People Power Revolution sa Huwebes.

Ayon kay Philippine Air Force spokesman Col. Enrico Canaya, magkakaroon ngayong taon ng flyby ng kanilang ibat ibang air assets.

Wala umanong ganitong aktibidad sa mga nagdaang People Power Anniversary sa mga nakalipas na taon.

Dalawang FA-50 fighter jets ang gagawa ng high speed opener pass habang labing-limang  SF-260FH naman ang magpa-fly by kabilang ang tatlong bell 412CUH, tatlong UH1D at tatlong AW 109 choppers.

Dalawang UH1H naman ang magsasagawa ng flower drop at paghuhulog ng confetti.

Kaninang umaga kapansin pansin ang paglipad sa kalawakan sa bahagi ng Quezon City, Ortigas Pasig, San Juan at hanggang Mandaluyong City ang ilang FA-50s at helicopters ng Armed Forces of the Philippines.

Ayon kay Canaya, bahagi ito ng rehearsal para sa 30th anniversary ng EDSA People Power 1 sa Huwebes.

TAGS: EDSA 30th, FA-50, PAF, People Power 1, EDSA 30th, FA-50, PAF, People Power 1

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.