Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Taguig City, 1,347 na

Nadagdagan ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Taguig City.

Sa inilabas na update dakong 8:45, Martes ng gabi (July 7), nasa kabuuang 1,347 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Pinakaraming naitalang kaso ng nakakahawang sakit sa bahagi ng Barangay Fort Bonifacio na may 378 cases.

Narito ang datos sa iba pang barangay sa Taguig:
– Bagumbayan – 41
– Bambang – 18
– Calzada – 35
– Hagonoy – 15
– Ibayo-Tipas – 30
– Ligid-Tipas – 22
– Lower Bicutan – 168
– New Lower Bicutan – 51
– Napindan – 8
– Palingon – 5
– San Miguel – 19
– Sta. Ana – 27
– Tuktukan – 20
– Ususan – 61
– Wawa – 16
– Central Bicutan – 24
– Central Signal – 22
– Katuparan – 10
– Maharlika Village – 17
– North Daang Hari – 50
– North Signal – 17
– Pinagsama – 70
– South Daang Hari – 45
– South Signal – 43
– Tanyag – 12
– Upper Bicutan – 46
– Western Bicutan – 77

Samantala, 3,753 ang itinuturing na suspected cases sa nasabing lungsod.

Nasa 186 na residente ang gumaling na sa nakakahawang sakit habang 23 ang pumanaw na.

Read more...