COVID-19 cases sa Mandaluyong City, lagpas 1,060 na
Lagpas na sa 1,060 ang bilang ng nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Martes ng hapon (July 7), walo ang bagong napaulat na kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Sa 1,066, 257 ang aktibong kaso.
138 ang itinuturing na probable cases habang 714 ang suspected cases kung saan 3,953 ang cleared na.
Nadagdagan naman ng lima ang mga bagong gumaling.
Dahil dito, 741 na ang total recoveries ng COVID-19 sa nasabing lungsod.
Nasa 68 na residente ng Mandaluyong ang pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.